Tuesday, May 5, 2026

Viral social media post ng pekeng electricity bill para palabasin na mataas ang singil sa kuryente, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni House Committee on Public Accounts chairperson at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon sa House Committee on Public Information ang nag-viral na social media post ng pekeng electricity bill na layuning palabasin na sobrang mataas na singil sa kuryente sa bansa.

Nakasaad ito sa House Resolution number 980 na inihain ni Ridon kung saan tinukoy ang Peanut Gallery Media Network (PGMN) na umano’y nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa napakataas na singil sa kuryente.

Ayon kay Ridon, makikita sa post ang isang indibidual na nagrereklamo sa malaking itinaas ng kanyang bayarin sa kuryente.

Pero diin ni Ridon, kapansin-pansin ang magkaibang Customer Account Numbers (CAN) ng dalawang bill na ipinapakita na indikasyon na maaaring inedit o peke ang nakasaad sa electricity bill.

Target ng isinusulong na imbestigasyon ni Ridon na matukoy kung sino ang nagpopondo sa pagpapakalat ng naturang maling impormasyon at kung ito ba ay isang organisado at sistematikong disinformation operation.

Ang hakbang ni Ridon ay tugon sa panawagan na labanan ang fake news at tiguraduhin na tama ang impormasyong nakakarating sa mga konsyumer.

Facebook Comments