Arestado ang isang 30-anyos na security guard matapos makumpiskahan ng dalawang baril sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Nalvo Norte, Luna, La Union, noong Oktubre 22, 2026.
Isinagawa ang operasyon sa tirahan mismo ng suspek dahil sa umaning paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Batay sa ulat ng pukisya, nasamsam sa operasyon ang isang Smith & Wesson caliber .38 revolver na walang serial number at isang homemade na caliber .38 revolver na walang tatak at serial number.
Isinagawa ang operasyon ng Luna Municipal Police Station, La Union Provincial Intelligence Unit, at iba pang yunit ng pulisya.
Dinala ang naarestong lalaki at ang mga baril sa Luna Municipal Police Station para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










