
Dinepensahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglayag ng US Navy Vessel na USS Charleston malapit sa katubigan ng Escoda Shoal.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, aware sila sa naging naratibo ng People’s Liberation Army na umano’y pagtresspass ng US Navy Vessel sa teritoryo ng China.
Binigyang-diin dito ni Trinidad na ang Spratly Island ay hindi teritoryo ng China at giniit din na ang kanilang claim sa nasabing maritime feature ay pinasinungalingan ng 2016 Arbitral Award.
Tinawag naman naman ng AFP ang presensya ng USS Charleston bilang Freedom of Navigation ng magkakaalyadong bansa.
Facebook Comments










