Kabilang sa delegasyong bumisita sa dating punong-tanggapan ni General Douglas MacArthur sa Dagupan City ang anak ng isa sa mga pinakakilalang piloto ng U.S. Navy noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Batay sa ulat, bumisita si David McCampbell Jr. na kinilalang anak ni David McCampbell, na namuno sa Air Group 15 o “Fabled Fifteen” at naging highest-scoring fighter ace noong WWII.
Isinagawa ang pagbisita noong Oktubre 22 sa Dagupan West Central Elementary School, na nagsilbing headquarters ni MacArthur noong Enero 1945.
Kasama rin sa pagbisita ang mga historians mula sa Philippine World War II Memorial Foundation at si Director Rex Catubig, Arts and Culture Consultant ng Dagupan City.
Inorganisa ang aktibidad bilang bahagi ng makasaysayang paglilibot na “Aces of the Pacific: Winning the War over Philippine Skies.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










