PAGPAPALAWAK NG REVITALIZED PULIS SA BARANGAY PROGRAM, TINALAKAY SA PERIODIC AUDIT NG PANGASINAN 1ST PMFC

Tinalakay ang pagpapalawak ng Revitalized Pulis sa Barangay o R-PSB program sa isinagawang Periodic Organizational Audit and Inspection ng Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) noong Oktubre 21, 2026.

Idinaos ang aktibidad sa Sansinirangan Hall, 1st PMFC Headquarters sa Barangay Tanaytay, Alaminos City, Pangasinan

Batay sa ulat, sinuri ang kahandaan sa operasyon at pagpapatupad ng mga pangunahing programa ng yunit.

Kabilang sa mga prayoridad ang pagpapalakas ng internal security operations sa pamamagitan ng espesyalisadong pagsasanay sa mga tauhan.

Kasabay nito, isinailalim sa inspeksiyon ang mga kagamitang pang-operasyon ng yunit upang matiyak ang kondisyon, wastong paggamit, maintenance at pananagutan sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments