TINAGURIANG “NEW ZEALAND” SA POZORRUBIO, PANSAMANTALANG ISINARA SA PUBLIKO

Pansamantalang isinara sa publiko ang lugar na tinaguriang “New Zealand” sa Barangay Don Benito, Pozorrubio, Pangasinan, alinsunod sa kahilingan ng may-ari nito.

Sa isang pampublikong paalala, ipinaalam ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio na bagama’t ikinagagalak nila ang pagdami ng mga turistang dumadayo sa nasabing lugar, ito ay pribadong pag-aari at hindi bukas sa publiko para sa pamamasyal o turismo.

Ipinaliwanag na ang pansamantalang pagsasara ay layong mapangalagaan ang kapaligiran at maiwasan ang posibleng pagkasira ng lugar, lalo na dahil sa hindi wastong pagtatapon ng basura.

Dahil dito, hiniling ng pamahalaang bayan ang pang-unawa at paggalang ng publiko sa pasya ng may-ari.

Hinikayat din ang lahat na makipagtulungan sa pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa mga pribadong pag-aari upang maiwasan ang mga suliraning maaaring idulot ng hindi responsableng pagdalaw sa mga lugar.

Samantala, bukas pa rin umano ang ilang establisyimento malapit sa nasabing pasyalan na maaari pa ring dayuhin ng mga nais bumisita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments