Number 1 Station Level Most Wanted Person na may kinahaharap na kasong qualified rape, inaresto ng QC PNP

Hawak na ng La Loma Police Station (PS 1) ang No. 1 Station Level Most Wanted Person na humaharap sa kasong qualified rape.

Ang suspek ay kinilalang si Rafael Abapo, 37 years old at residente ng Pio Del Pilar, Makati City.

Naaresto ito sa pamamagitan ng warrant of arrrest na inisyu ni Anna Francesca M. Limbo, Presiding Judge ng Branch 69, Regional Trial Court (RTC), Binangonan Rizal.


Nakatakda namang magbigay ng abiso ang Philippine National Police (PNP) sa court of origin ng arrest warrant kaugnay ng pagkakaaresto ng suspek.

Facebook Comments