NUMBER 9 MOST WANTED PERSON SA ILOCOS REGION, ARESTADO SA NUEVA ECIJA

Sa lalawigan ng Nueva Ecija nahuli ng mga otoridad ang pang siyam sa mga Most Wanted Person sa buong Ilocos Region.
Ang akusado ay nakilalang si Peter Tumabcao residente ng Labit West, Urdaneta City.
Naaresto ang akusado sa bayan ng Llanera sa Nueva Ecija pasado alas diyes ng Gabi sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 counts of rape at Incestuous Rape.

May piyansang 200k bawat kaso ang akusado na umaabot sa 1.2 million pesos ang piyansa kung saan ay Na I turnover na ito sa Urdaneta City PNP kung saan isinampa ang kaso. |ifmnews
Facebook Comments