Nurse, Patay matapos Mahulog sa Zipline

157
Cauayan City, Isabela-Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking nurse makaraan itong mahulog sa zipline ng isang resort sa Tabuk City, Kalinga noong Linggo ng hapon, June, 12, 2022.

Ayon sa Tabuk City PNP, ang biktima ay kinilalang si Paul Gaayon ,31-anyos at residente ng Brgy. Bulanao Centro sa nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, sumakay ang biktima sa zipline kung saan walang naging aberya ang unang ride nito ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakabitiw umano sa pagkakahawak sa zipline hanggang sa mahulog.

Nagawa pang bumagsak ito sa safety net ngunit bumigay ito dahil na rin sa bigat ng biktima at tuluyang bumagsak ito sa lupa.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at upang matukoy kung may pananagutan ba ang pamunuan ng naturang resort.

Facebook Comments