Sa pagtatanim ng mga puno nagsisimula ang pagkakaroon ng sustainable environment – kaya naman bilang bahagi ng selebrasyon ng 52nd Nutrition Month, isinagawa ng Urdaneta City Health Office ang kanilang Nutri-Punla Tree Planting Activity.
Mula sa pagkakaisa ng iba’t ibang institusyon sa syudad ng Urdaneta, matagumpay na naisagawa kamakailan ang naturang Tree Planting Activity sa riverside ng Brgy. Nancalobasaan, Urdaneta City.
Layunin nitong ipalaganap na ang maayos na nutrisyon ay hindi lamang nagtatapos sa kung ano ang nasa hapag-kainan, kundi maging sa ating kapaligiran na siyang pinagkukunan natin ng ating mga makakain.
Kaya naman ang mga ganitong programa ay marapat lamang na suportahan upang mapakinabangan hindi lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi sa mga susunod pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










