MAS MAHIGPIT NA PAMANTAYAN SALPG, ISINUSULONG NG DTI PARA SA PROTEKSIYON NG MAMIMILI

Mas paiigtingin ng department of trade and industry o dti pangasinan ang kampanya para sa kaligtasan ng mga mamimili ng liquefied petroleum gas o lpg sa pamamagitan ng mas malawak na pagpapatupad ng mga pamantayan sa produkto at patas na kalakalan.

Bilang bahagi ng inisyatibang ito, nagbahagi ang dti pangasinan consumer protection division ng kaalaman sa tatlong araw na fair-trade laws orientation at consumer awareness seminar para sa mga lpg dealer at retailer sa san jacinto, pangasinan na inorganisa ng isang pribadong kompanya ng lpg. Dinaluhan ito ng 72 kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng pangasinan at mga karatig-lugar.

Tinalakay sa pagsasanay ang tamang pagmamarka ng lpg cylinders, mga karapatan at responsibilidad ng mamimili, at ang philippine national standards na sumasaklaw sa paggawa, pagkukumpuni, pagsusuri, at tamang pagtatapon ng mga tangke ng lpg.

Binigyang-diin din ng dti ang kahalagahan ng pagsunod sa mandatory product certification at iba pang safety standards upang matiyak na ligtas at dekalidad ang mga produktong lpg na ipinagbibili sa publiko at maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng depektibong tangke.

Nagtapos ang seminar sa isang open forum kung saan aktibong nagbahagi ng kanilang mga karanasan at nagtanong ang mga kalahok tungkol sa mga regulasyon at pamantayan sa industriya ng lpg. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments