Patuloy na tumataas ang water level ng San Roque Dam na umabot na sa 273.15 meters nitong Martes, Agosto 18, ayon sa 8:00 A.M. monitoring update ng DOST-PAGASA.
Bagama’t malapit na ito sa 280-meter alert level, nananatiling walang bukas na gate sa San Roque Dam.
Samantala, nagpakawala ng tubig ang dalawang dam sa Benguet. Dalawang gate ng Ambuklao Dam ang bukas sa 0.8 metro, habang tatlong gate ng Binga Dam ang nakabukas sa 1.5 metro.
Pinapayuhan ang mga Dagupeño, lalo na ang mga naninirahan sa low-lying areas, na manatiling alerto at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











