Wednesday, May 13, 2026

TeleSafe Helpline ng DepEd, konektado na sa NCMH Crisis hotline

Direkta nang naka-link ang Learners TeleSafe Contact Center Helpline o 33733 helpline ng Department of Education (DepEd) sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis hotline oras na tumawag ang caller o estudanye para mag-report ng anumang uri ng aabuso, maging ang paghingi ng tulong.

Ibig sabihin, ang Learner Rights and Protection officer ang sasagot ng tawag, mag-a-assess at magta-transfer ng tawag sa mismong NCMH Specialists for professional crisis intervention sakaling may kaugnayan ang nasabing tawag sa pang-aabuso, bullying, o mental health crisis.

Inilunsad ng DepEd ang Learners TeleSafe Contact Center Helpline noong Lunes, May 11 sa General Tiburcio De Leon National High School sa Valenzuela City, habang ikinasa na rin ito sa Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Samantala, nagtatag naman ng Learner Support Center facilities ang ilang pampublikong iskwelahan na mag-i-integrate sa mga guidance centers, teen centers, at learner rights and protection desks bilang dagdag tulong sa mga estudyante.

Facebook Comments