
Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsumite ng incident report kaugnay ng Red Alert at Yellow Alert declarations sa Luzon at Visayas Grids.
Kabilang sa hinihingi ng ERC sa NGCP ang paliwanag sa ugat o triggering factor ng kakulangan ng supply o ng grid contingency.
Nais din malaman ng ERC kung ilang generating units, transmission lines, at grid facilities ang nagkaroon ng forced outages.
Hinihingi rin ng ERC ang paliwanag kung anong mga remedyo ang ginawa ng NGCP tulad load management at ang inisyung dispatch instructions.
Inatasan ang NGCP na magsumite ng report hanggang sa May 18, 2026.
Facebook Comments










