Monday, May 11, 2026

48th ASEAN Leaders’ Summit 2026, naging mapayapa ayon sa Police Regional Office 7

COURTESY: Bongbong Marcos/Facebook

Walang naitalang major o untoward incident sa isinagawang 48th ASEAN Leaders’ Summit 2026 sa Lapu-Lapu City.

Ayon kay Acting Regional Director PBGen. Arnold Abad, naging mapayapa at maayos ang isinagawang summit dahil na rin sa maigting na koordinasyon ng mga ahensiya, uniformed services, lokal na pamahalaan, force multipliers, private stakeholders at sa aktibong partisipasyon ng komunidad.

Nagpasalamat din si Abad sa publiko para sa kanilang pag-unawa sa mga traffic adjustments para sa ASEAN.

Binigyang-diin ng PRO7 na ang mapayapang resulta ng nasabing summit ay nagpapakita lamang ng malakas na inter-agency collaboration, operational readiness, at community partnership.

Facebook Comments