
Ipinag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagsuspinde ng anim na bawan si acting Senate Sergeant-at-Arms Retired Police Major General Mao Aplasca bilang bahagi ng gagawing sariling imbestigasyon nito sa nangyaring shooting incident sa Senate compound.
Iimbestigahan si Aplasca dahil umasta umano itong mas mataas sa mga law enforcement group nang manguna ito sa komosyon sa halip na panatilihin ang kapayapaan.
Binigyan diin ni Remulla na lahat ng mga naiwan noong gabing mangyaring ang komosyon gaya ng mga senador at mga taga-media ay kanilang iimbestigahan.
Ayon pa kay Ombudsman, ipapa-subpoena nila ang mga CCTV footage sa Senado habang kukuhanan naman ng sinumpaang salaysay affidavit ang mga kasapi ng media.
Facebook Comments










