
Sasampahan ng indirect contempt ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sakaling hindi ito sumipot ng Huwebes, May 14 ng alas-10 ng umaga sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, magpa-file ng kaso ang CIDG base sa mga testimonya ng mga complainant na nagpunta sa nasabing tanggapan kaugnay ng umano’y extra judicial killings (EJK) na naganap noong kasagsagan ng drug war noong siya ay director ng Davao.
Nilinaw ni Tuaño, na walang konesyon sa ICC issue ang pagbibigay nila ng subpoena kay Senator Dela Rosa kun’di sa mga natanggap na reklamo ng ahensya laban sa nasabing senador kaugnay ng drug war.
Ngayong umaga ay isinilbi na sa opisina nito sa Pasay at sa bahay nito sa Davao ang subpoena laban kay Senator Bato kung saan ayon sa pulisya ang caretaker nito ang tumanggap ng nasabing dokumento.










