Friday, May 15, 2026

Pagsasagawa ng warning shot, may kaakibat na pananagutan sa batas ayon sa PNP

Ipinaliwanag ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño sa mga magwa-warning shot na hindi myembro ng PNP na may kaakibat itong pananagutan sa batas.

Ayon kay Tuaño, ang mga hindi myembro ng PNP na magwa-warning shot ay maaaring maharap sa kasong indiscriminate firing at alarm and scandal.

Samantala, sa hanay naman ng PNP nilinaw rin ni Tuaño na hanggat maaari ay pinagbabawal ang pagsasagawa ng warning shots base ito sa kanilang Police Operational Procedure.

Ito ay dahil delikado ito kung saan pwede itong magdulot ng kalituhan at maari pang makapahamak.

Aniya, maaari lamang mag-warning shot ang myembro ng PNP kung sila ay outnumbered, overpowered, at may banta na sa buhay.

Kaugnay nito sinabi ni BGen. Alan Manibog, Deputy Director Directorate for Operations ng PNP na imbes na warning shots ay gumagamit ang mga kapulisan ng megaphone at pito.

Ayon pa kay Manibog, mahalaga talaga ang koordinasyon para maiwasan ang mga misencounters.

Facebook Comments