Wednesday, May 13, 2026

Pamahalaan, pinalakas ang mental health support para sa mga kabataan

Suportado ng Malacañang ang bagong mental health hotline ng Department of Education (DepEd) para sa mga estudyanteng dumaranas ng matinding problema at nangangailangan ng agarang tulong.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat balewalain o ikahiya ang mental health concerns dahil may handang umalalay at makinig sa mga kabataang nangangailangan ng suporta.

Kaugnay nito, inilunsad ng DepEd ang Learners TeleSafe Contact Center Helpline kung saan maaaring tumawag ang mga estudyante sa #33733 para sa agarang assistance at intervention.

Direkta ring nakakonekta ang hotline sa National Center for Mental Health upang mas mabilis na maabot ng mga propesyonal ang mga nangangailangan ng tulong.

Maaari ring tumawag sa 0945-1759777 o mag-email sa weprotectlearners@deped.gov.ph para sa iba pang mental health concerns.

Facebook Comments