
Maari pa ring isuko ng gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) si Senator Bato dela Rosa.
Ito ay batay sa posisyon na pinanghahawakan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sa ilalim ng R.A 9151 ay may dalawang paraan ang gobyerno.
Una ay ang pagsuko sa isang indibidwal sa isang international tribunal at pangalawa naman ay ang extradition.
Sa kabila nito, tumangging magbigay ng iba pang detalye si Martinez at kung ano na ang mga hakbang ng DOJ ngayong may warrant na laban sa senador.
Una nang sinabi ng Justice Department na hihintayin muna nila ang ruling ng Korte Suprema kaugnay sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC.










