Pagpapatuloy ng Barangay at SK elections sa Disyembre, hiniling ng isang poll watchdog

175

Umaapela ang National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Kongreso na ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 5.

Ayon sa NAMFREL, bilang isang poll watch group ay naniniwala silang ang balota ang tunay na boses ng publiko na siyang mahalagang sangkap ng demokrasya.

Anila, hindi dapat masakripisyo ang kalayaan ng mga botante sa barangay na pumili ng kanilang pinuno.


Dagdag pa ng grupo, bagama’t makakatipid ang bansa kung ipagpapaliban ang halalan sa Barangay at SK ay mas mahalaga pa rin na marinig ang boses ng taumbayan kung kaya’t hindi pa rin ito dapat gawing dahilan para ipagpaliban ang halalan.

Facebook Comments