Hindi na umano ligtas para sa mga mabibigat na sasakyan ang Bolosan–Mangin Bridge sa Dagupan City matapos ma-assess ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakompromiso ang kondisyon ng tulay bunsod ng malakas na lindol.
Batay sa assessment ng DPWH, kaya lamang dumaan sa tulay ang mga magaan na sasakyan para sa kaligtasan ng mga motorista at residente habang hindi pa naipapatayo ang kapalit na tulay.
Ayon sa mga awtoridad, nakaplano na ang pagtatayo ng bagong tulay, gayunman, hinihintay pa ang paglalaan ng pondo bago masimulan ang proyekto.
Samantala, nananatiling ipinatutupad ang mahigpit na pagbabawal sa pagdaan ng mga heavy vehicle sa Bolosan–Mangin Bridge.
Mahigpit na nagbabala ang barangay na sumunod sa umiiral na traffic restrictions para maiwasan ang anumang aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








