Operasyon ng Philippine Consulate sa Khartoum, Sudan, suspendido na

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Cairo na suspendido na ang operasyon ng Philippine Consulate sa Khartoum, Sudan.

Sa harap ito ng tumitinding kaguluhan sa Sudan.

Kaugnay nito, hinihimok ng Embahada ang lahat ng Pinoy sa Sudan na lisanin na ang naturang bansa sa lalong madaling panahon para sa kanilang kaligtasan.


Ayon sa Philippine Embassy, dapat ding lisanin agad ang Egypt ng mga Pinoy na tumawid doon dahil temporary lamang ang kanilang pananatili roon.

Magiging limitado na rin aniya ang magiging tulong ng embahada sa mga Pinoy na nais tumawid ng Egypt.

Facebook Comments