Thursday, August 20, 2026

Petsa ng impeachment trial, planong iurong o i-extend na lamang ng Senate Impeachment Court; trial, delayed na ng 2 to 3 days

Pinag-aaralan ng Senate Impeachment Court na iurong na lamang ang mga dates o petsa ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos sabihin ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na delayed na ng dalawa hanggang tatlong araw ang impeachment trial.

Paglilinaw ni Tongol, hindi lang sa madalas na kanselasyon ng paglilitis dahil sa sama ng panahon ang pagka-delay sa trial.

Aniya, kasama na rin dito ang mga testigo na sa halip isang araw lang sasalang ay umaabot ng dalawa o tatlong araw ang presentasyon ng prosekusyon.

Gayunman, sinabi ni Tongol na hindi naman dapat mabahala na delayed na ng ilang araw ang paglilitis dahil maaari naman nilang iurong o i-extend ang mga petsa o schedule ng trial na alloted o nakalaan para sa prosekusyon at sa depensa.

Idiniin ni Tongol na sanay naman ang korte na nauurong talaga ang paglilitis.

Dagdag pa ni Tongol, kasama rin sa ikinukunsidera nina Senate President Sherwin Gatchalian at presiding officer Chiz Escudero ang magsagawa ng sesyon ng Huwebes, Biyernes at Sabado para mabawi ang mga araw na nawala dahil sa kanselasyon ng pasok, i-extend ang oras ng trial o ilipat ito sa hapon.

Sa kabilang banda, ito ay pag-aaralan pa lang at retain o mananatili pa rin sa umaga ang pagsisimula ng impeachment trial.

Facebook Comments