Operasyon ng RITM, pansamantalang ititigil bilang paghahanda sa Typhoon Rolly

Pansamantalang ititigil ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang operasyon ng kanilang mga laboratoryo sa Nobyembre 1 at 2 bilang paghahanda sa paparating na Bagyong Rolly.

Ayon kay RITM Director Celia Carlos, hinihikayat nila ang mga disease reporting units na ipadala ng maaga ang kanilang test samples para sa COVID-19.

Aniya, ang mga test sample na hindi masusuri ay ilalagay sa freezer na may 70 degrees at agad susuriin oras na magbalik operasyon na ang kanilang laboratoryo.


Tiniyak naman ng RITM na hindi apektado ang iba nilang serbisyo kagaya ng outpatient swabbing at mga walk-in.

Nakipag-ugnayan na ang RITM sa Department of Health (DOH) para itago ang mga vaccine hanggang matapos ang bagyo.

Babalik ang pagtanggap at pagpoproseso ng mga testing samples ng RITM para sa COVID-19 sa Martes, 3 Nobyembre.

Facebook Comments