Malacañang kay VP Sara: Huwag maging anay sa lipunan, P20/kilo na bigas, hindi pang-hayop

Huwag pairalin at ang crab mentality at huwag maging anay sa lipunan.

Ito ang resbak ng Malacañang sa banat ni Vice President Sara Duterte na budol lamang at pang-hayop ang klase ng bigas na ibebenta ng gobyerno sa halagang bente pesos.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pangit na klase ng bigas ang ibebenta ng Department of Agriculture (DA) dahil kapareho lamang ito sa nabibili ngayon na ₱33 na bigas.

Ito nga anya ang dahilan kaya mayroong halagang kailangang i-subsidize ng gobyerno na paghahatian ng national at local government.

Bwelta ni Castro kay VP Sara, ang totong lider ay dapat sumusuporta sa pinuno ng bansa at nagsusulong ng pagkakaisa para matupad ng pangulo ang magagandang hangarin nito sa bansa.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng Palasyo ang publiko sa mga posibleng manabotaheng fake news peddlers sa ₱20 rice program na magpapanggap na buyer at sisirain ang sa social media ang kalidad ng bigas.

Facebook Comments