ORIENTATION SA REGISTRATION NG CHILD DEVELOPMENT CENTERS, ISASAGAWA SA DAGUPAN

Magsasagawa ng orientation ang lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa mga pribadong Early Childhood Care and Development o ECCD service providers kaugnay sa proseso ng pagpaparehistro ng kanilang child development centers.

Nakatuon ang aktibidad sa mga operator, administrador, at may-ari ng mga pribadong institusyong nag-aalok ng ECCD services gaya ng play class, nursery classes, at kindergarten para sa mga batang limang taong gulang pababa.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO, layunin ng orientation na ipaliwanag ang mga kinakailangang proseso sa ilalim ng Republic Act 12199 o ang “ECCD Systems Act.”

Nakatakda itong isagawa sa May 29, 2026 sa Teen Center sa Bonifacio Street, Dagupan City.

Hinikayat naman ng CSWDO ang mga pribadong ECCD providers na magparehistro upang matiyak ang pagsunod sa itinakdang pamantayan para sa early childhood care and development services. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments