LIBRENG SCHOOL SUPPLIES SA BAYAMBANG, MALAKING TIPID SA MGA MAGULANG BAGO ANG PASUKAN

Hindi na kailangang alalahanin ng ilang magulang sa Bayambang ang dagdag-gastos sa pangunahing gamit sa eskuwela ng mga chikiting, dahil may nakahandang libreng school supplies lokal na pamahalaan para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6.

Ipapamahagi ang mga school supply packs sa mga estudyante ng pampublikong elementarya sa bayan bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.

Kabilang sa mga ipamamahagi ang notebooks, pad paper, pencils, plastic envelope with handle, at iba pang gamit na nakabatay sa grade level ng mga mag-aaral.

Aabot sa mahigit 16,000 school supply packs ang inihanda para makatulong sa paghahanda ng mga bata sa panibagong taon ng pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments