Monday, May 25, 2026

Crime rate, bumaba ng 34% —PNP

Bumaba ang naitalang focus crime sa buong bansa para sa period ng April 1-30 sa loob ng tatlong magkakasunod na mga taon.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), noong 2024 nasa halos 4,000 ang naitalang insidente ng focus crimes, bumaba ito noong 2025 na nasa higit 3,000 na insidente, at nitong 2026 mas lumaki ang binaba nito kung saan ito ay nasa higit 2,000 na lamang.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., may mga focus crimes na tumaas pero generally kung pagsama-samahin umano ay makikita na bumaba ang nasabing mga kaso kumpara noong 2024 at 2025.

Nabatid na ang mga focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, rape at carnapping.

Ayon sa PNP, malaking tulong sa pagbaba ng krimen ang isinagawang safer cities initiatives na sinimulan nitong April.

Tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na patuloy ang kanilang pagpapatrolya at iba pang mga operasyon para masugpo ang krimen sa bansa.

Facebook Comments