Wednesday, May 20, 2026

PBBM, pinulong mga opisyal para sa ASEAN Summit preparations

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga senior government officials para sa paghahanda ng bansa sa ika-48 ASEAN Summit at mga kaugnay na pulong na gaganapin sa Mayo 6–8, 2026.

Tinalakay ang pangunahing agenda ng Pilipinas bilang host, kabilang ang energy security, food security, at proteksyon ng mga mamamayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Binigyang-diin ng pangulo ang whole-of-government approach para matiyak ang maayos at epektibong pamumuno ng bansa sa summit.

Idaraos ang ASEAN Leaders’ Summit sa Cebu sa Mayo 7–8, kung saan inaasahang dadalo ang mga pinuno at delegado ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Facebook Comments