
Walang nagkansela ng byahe sa Bicol region sa kabila ng pagputok ng Bulkang Mayon.
Hanggang kahapon ay may mga humabol pa pabyahe ng Bicol pero mababa na lamang ang fully-booked na byahe na nasa 28 percent.
Ayon kay Davao Metro Shuttle Dispatcher Melchor Sasaban, maging sa ibang byahe pa-probinsya ay wala ring canceled trips.
Sa halip aniya, nag-mo-move o nagpapalit lang ng schedule ng trips ang ilang byahe dahil sa matumal na byahe sa Visayas at Mindanao.
Ngayong araw ay mangilan-ngilan na lamang aniya ang babyahe pauwing probinsya.
Bukas, November 3, inaasahan ang paguwi ng maraming kababayan mula sa probinsya.
Facebook Comments










