Tuesday, August 18, 2026

Kamara, nagpatupad ng WFH arrangement, online session at committee hearings ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon

Dahil sa masamang lagay ng panahon ay nagpatupad ang House of Representatives ngayong araw ng work-from-home (WFH) arrangement para sa mga opisyal at empleyado nito maliban sa mga kailangang physically present para sa mga mahalaga at kritikal na operasyon.

Batay ito sa advisory na inilabas kahapon ni House Secretary General Atty.. Cheloy Garafil alinsunod sa atas ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Office of the President.

Tuloy pa rin ang plenary session ng Kamara mamayang hapon pero ito ay gagawin virtually sa pamamagitan ng Zoom.

Isasagawa din online via Zoom ang mga nakatakdang committee hearings batay sa pasya ng mga chairperson nito.

Ang budget hearing naman na sinimulan na kahapon ng House Committee on Appropriations ay magpapatuloy sa Lunes, August 24.

Facebook Comments