PABOR DAPAT SA MAMAMAYAN │Gobyerno, pinag- iingat sa papasuking kontrata para sa maintenance ng MRT

Manila, Philippines – Pinag-iingat nina Senators Win Gatchalian at Grace Poe ang pamahalaan sa papasuking kontrata para sa maintenance ng Metro Rail Transit o MRT line 3.

Kapwa pabor sina Gatchalian at Poe na muling kunin ang serbisyo ng Sumitomo para maging maintenance provider muli ng MRT dahil bukod sa magandang track record at reputasyon ay nasubukan na ito sa mahabang panahon.

Pero paalala ni Senator Gatchalian, dapat maging maingat sa paglalatag ng terms of agreement at mahalagang maging prayoridad pa rin ang pagsasapribado ng MRT.


Maari aniyang, gawing short-term o maikli lang ang kontrata sa Sumitomo habang naghahap ng private company na bibili sa MRT 3.

Diin naman ni Senator Poe, dapat siguraduhing pabor sa mamamayan at FOI -compliant ang maisasarang kontrata.

Facebook Comments