Wednesday, May 27, 2026

PAF, iginiit na well maintained at reliable ang SF-260 Aircraft na bumagsak sa Benguet

Iginiit ng Philippine Air Force (PAF) na well maintained at reliable ang training aircraft na SF-260 na bumagsak sa Tuba, Benguet kamakailan.

Nabatid na ang nasabing mga aircraft ay unang kinomisyon noong 2011.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, ang nasabing aircraft ay sumasailalim sa periodic maintenance na lagi namang isinasagawa ng Air Force sa kanilang mga assets at ito well-suited para sa mga pagsasanay.

Aniya, hinihintay na nila ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon na nagresulta sa pagkakasawi ng 2 piloto.

Samantala, inilagak na kahapon sa Libingan ng mga Bayani ang 2 mga piloto na sina 1st Lieutenant Ruth Angelique Pasos at 2nd Lieutenant Cherky Embudo na ginawaran ng military honors at 21 gun salute bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsasakripisyo sa bayan.

Facebook Comments