
Hind inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinasabing “leadership fund” sa DPWH para sa mga mambabatas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinabi mismo ni Marcos na hindi niya kailanman inatasan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang paglikha ng naturang pondo.
Nilinaw ni Castro na ang direktiba ng pangulo kay Bonoan ay tiyaking napupunta ang pondo sa mga proyektong kailangan ng mga komunidad, hindi sa mga partikular na mambabatas.
Sinabi rin ng Palasyo na wala sa pambansang budget ang sinasabing “leadership fund,” na kinumpirma rin umano ng Department of Budget and Management (DBM) at economic team.
Giit ni Castro, kung may naging usapan man tungkol dito sa loob ng DPWH, hindi ito naging programa o direktiba ng pangulo.
Kasunod ng mga alegasyon ng iregularidad sa DPWH, agad umanong nag-utos si Marcos ng imbestigasyon para matukoy ang mga responsable.










