PAF, nagtalaga ng bagong commanding general

Opisyal nang naupo bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF) ngayong araw si Major General Stephen Parreño.

Ito ay matapos mapirmahan ang kaniyang assumption order sa isinasagawang change of command ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Si Parreño ang second in command o vice commanding general ng PAF.


Papalit si Parreño na nagretiro ngayong si Lt.Gen. Connor Anthony Canlas Jr., na opisyal na ring lumagda sa kaniyang relinquishment order.

Sa ginaganap na seremonya, pormal na ring isinalin ni Pangulong Marcos ang command symbol sa bagong pinuno ng Air Force o kay Maj. General Parreño.

Facebook Comments