Dating reporter na si Daphne Oseña-Paez, itinalaga bilang bagong Malacañang press briefer

Inanunsiyo ngayon ng Office of the Press Secretary (OPS) ang magsisilbing Malacañang press briefer sa ilalim ng Marcos administration.

Sa pulong balitaan, ipinakilala ni OPS OIC Undersecretary Cheloy Garafil si Daphne Oseña-Paez bilang Malacañang press briefer.

Si Paez ay anak ng dating piloto ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos na si Col. Delio Osena.


Siya ay dating ABS-CBN lifestyle show host.

Nagsimula ang television career ni Paez bilang reporter ng ABS-CBN noong 1990 at naging bahagi ng English late-night newscast na The World Tonigh bilang tagapag-ulat ng panahon.

Facebook Comments