
Isinasagawa ng City Engineering Office, ang pagsasara ng 1,000 sqm. mini dumpsite sa Barangay Bonuan Binloc ngayong araw ng Lunes, April 20, 2026.
Kasama ang Waste Management Team (WMD), matagumpay na nilinis ang nasabing lugar upang masiguro na ang sistema ng segregasyon ay ipatutupad sa buong barangay.
Ayon sa WMD, ilang beses nang isinagawa ang mga pagpupulong ukol sa tamang segregasyon ng basura. Isa rin raw umano ang pagsasara ng animnapung (60) taong gulang na dumpsite na matagal nang naging suliranin sa komunidad.
Binubuo ng terenta’y-uno (31) na barangay ng lungsod, ang kasama sa paglilinis ng mga kalat upang mapanatili ang kalinisan ng komunidad.
Tinututukan din ang isinasagawang waste characterization sa mga barangay upang mas mapaigting pa ang mga hakbang sa tamang pamamahagi at pagsasaayos ng basura sa buong lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










