Monday, April 20, 2026

Mga sangkot sa banggaan ng pampublikong bus at PNP coaster sa may EDSA Bus Lane, humarap ngayong umaga sa NAPOLCOM

Humarap ngayong umaga, April 20 kay National Police Commission (NAPOLCOM) Chief Atty. Vicente Calinisan ang driver ng pampasaherong bus at coaster ng Philippine National Police (PNP) na nagbanggaan papasok sa EDSA Bus Lane sa Quezon City noong April 17.

Ayon kay Vicente, isang kahihiyan at hindi dapat tularan ang naturang aksyon ng sangkot na pulis sa insidente.

Kasabay nito, inisyuhan rin ni Vicente ng Show Cause Order ang traffic sector na gumawa ng “bogus” report kung saan nakalagay na nagkasundo ang dalawang panig na hindi sasampahan ng kaso ang pulis na sangkot sa insidente, taliwas sa pahayag ng driver ng pampublikong bus.

Samantala, tinatanggap naman ni Jessie ang paghingi ng tawad ni Police Chief Master Sgt. Jenifer Bredico pero kailangan umano nitong sagutin ang gastos sa pagpapaayos ng pampublikong bus na kanyang pinapasada.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Facebook Comments