PWD LEADERS SA BAYAMBANG, PINALAKAS BILANG PAGGUNITA SA 48TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

Mas pinaigting ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga Persons with Disabilities (PWD) leaders sa isinagawang capability-building activity bilang bahagi ng paggunita sa 48th National Disability Rights Week (NDRW) noong July 23, 2026.

Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa ilalim ni Disability Affairs Officer Johnson Abalos ang aktibidad na dinaluhan ng mga PWD Presidents mula sa lahat ng barangay ng Bayambang.

Layunin nitong ihanda ang mga lider bilang mas epektibong tagapagtaguyod ng karapatan at kapakanan ng kanilang mga kasapi sa kani-kanilang komunidad.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng kaalaman sa mga umiiral na batas na nagtataguyod ng pantay na karapatan ng mga persons with disabilities.

Samantala, ibinahagi rin sa mga ito ang mahalagang papel ng mga PWD Presidents sa pagpapatupad ng mga programa at adbokasiya sa antas ng barangay.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mahusay na pamumuno, aktibong adbokasiya, at matibay na ugnayan sa lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders upang maisulong ang accessibility, pantay na oportunidad, at inclusive development. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments