Saturday, July 25, 2026

MGA BUNTIS AT LACTATING MOMS, PRAYORIDAD SA SELEBRASYON NG NUTRITION MONTH SA BAYAN NG UMINGAN

Ang tamang nutrisiyon ay nagsisimula mula sa pagbubuntis ng isang ina, hanggang sa unang tatlong taon ng bata.
Kaya naman sa selebrasyon ng Nutrition Month sa bayan ng Umingan, naging sentro ang pagbibigay ng mga NutriKit sa mga residenteng buntis at lactating moms.
Namahagi rin ang Local na Pamahalaan ng Umingan ng mga fruit bearing seedlings sa mga naturang benepisyaryo kalakip ang promosyon na ang tamang nutrisiyon ay maaring makuha sa mga masustansiyang pagkain gaya ng mga gulay at prutas.
Nagkaroon rin ng mga product display ng mga ani na prutas at gulay ang mga Barangay Nutrition Scholar sa bawat cluster na siyang mas nagbigay kulay ng naturang selebrasyon.
Ang inisiyatibong ito ng bayan ay patunay lamang ng kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa bawat mamamayan ng Umingan hindi lamang sa tamang nutrisiyon kundi maging sa pagkakaroon ng healthy environment para sa kapakanan ng bawat miyembro ng kumunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments