Saturday, July 25, 2026

Mga banta kay PBBM, hindi dapat balewalain — Malacañang

Iginiit ng Malacañang na dapat seryosohin ang mga pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos muling mabanggit sa impeachment trial ang mga pahayag nina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, matagal nang nakatatanggap ng mga banta ang Pangulo at alam nitong nagmumula ang mga ito sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Tungkulin aniya ng mga kinauukulang ahensiya na tiyakin ang seguridad ng Pangulo at imbestigahan ang anumang banta.

Dagdag pa niya, mahigpit na ang seguridad ni Pangulong Marcos, ngunit kung kinakailangang dagdagan pa ito dahil sa mga umiiral na banta, dapat lamang itong gawin upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Facebook Comments