Kabilang sa agarang hakbang ang pagpa-pump out ng tubig na naiipon sa lugar, lalo na kasunod ng malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha at abala sa mga motorista at residente.
Ayon sa impormasyon, hindi pa magkakakonekta ang drainage lines sa naturang bahagi, kaya nahihirapang makadaloy palabas ang tubig at naiipon ito kapag malakas o tuluy-tuloy ang pag-ulan.
Inaasahan namang isasagawa ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang kinakailangang interconnection ng drainage system upang magkaroon ng mas maayos at tuluy-tuloy na daluyan ng tubig sa lugar.
Mahalaga ang pagkakakonekta ng drainage lines bilang mas pangmatagalang solusyon sa problema, kumpara sa kasalukuyang pumping operation na nagsisilbing agarang tugon upang mapababa ang baha.
Habang hinihintay ang naturang proyekto, nagpapatuloy ang pumping operations ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang matagal na pag-ipon ng tubig at makatulong na mapanatiling passable ang kalsada sa harap ng DCNHS.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa lugar, partikular kapag nakararanas ng malakas na pag-ulan at tumataas muli ang tubig sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
