
Pinatatanggal ni Senator Erwin Tulfo ang pagbabayad ng travel tax na aniya’y humahadlang sa karapatan sa paglalakbay ng mga Pilipino.
Sa inihaing Senate Bill No. 1409, layon nitong alisin ang travel tax alinsunod sa ASEAN Tourism Agreement na nilagdaan ng Pilipinas noong 2002.
Tinukoy ng senador na 14 na taon na ang lumipas mula nang pirmahan ng Pilipinas ang nasabing kasunduan, subalit hanggang ngayon ay pinapatawan pa rin ng travel tax ang mga kababayang bumabyahe palabas ng bansa.
Tinitiyak ng panukalang ito na ang paglalakbay ng mga Pilipino ay magiging patas, accessible, at makatwiran ang presyo.
Naniniwala ang senador na ang pag-alis sa balakid na ito ay paraan upang mapaunlad at mapalakas ang sektor ng turismo sa bansa na kayang makipagsabayan sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.









