Pagbawi ni Ronnie Dayan sa mga pahayag noon na tumatanggap siya ng drug money, welcome para kay Sen. Leila de Lima

1452

Ikinatuwa ni Senator Leila de Lima ang paghahain ng manifestation ng kaniyang dating aide na si Ronnie Dayan kaugnay sa dati nitong pahayag na tumatanggap at naghahatid siya ng drug money.

Sabi ni de Lima, patunay ito na pinilit lamang ng ilang mambabatas si Dayan na tumestigo laban sa kaniya dahil sa pressure at sa kagustuhan na maipakulong ang senadora.

Batay sa manifestation ni Dayan, sinabi nitong hindi siya kumonsulta sa kaniyang abogado nang magsalita siya noon sa mga pagdinig ng kongreso.


Makailang beses na rin umanong itinanggi ni Dayan sa kaniyang counter-affidavits na sangkot siya sa illegal drug trade at wala rin siyang tinanggap na pera na may kaugnayan sa ganitong kalakaran.

Naniniwala naman ang senadora na paghihiganti lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit siya kinasuhan.

Sa ngayon, isa sa tatlong drug charges kay de Lima ang na-dismiss na ng korte dahil sa kawalan ng ebidensiya habang nananatiling pending ang dalawa pang natitira.



Facebook Comments