PAGGAMIT NG MOTORSIKLO NG MGA MENOR DE EDAD, NANGUNGUNANG AKSIDENTE SA ASINGAN

Nangunguna sa naitatalang dahilan ng aksidente sa bayan ng Asingan ay ang paggamit ng motorsiklo ng mga menor de edad.

Ayon sa Asingan PNP, mula noong buwan ng Enero ay nakapagtala na sila ng tatlong vehicular traffic incident bukod pa rito ang mga naitatalang aksidente sa mga barangay.

Ang mga sangkot ay Menor de edad. Tulad na lamang kamakailan kung saan nasawi ang isang 16 anyos na binata matapos mag-overshoot ang sinasakyan nitong motor at sumalpok sa isang tricycle.

Nagbabala naman ang kapulisan na agad silang mag-issue ng violation tickets kung walang kaukulang dokumento para sa legal na pagmamaneho tulad ng driver’s license, official receipt at certificate of registration ng sasakyan.

Huhulihin ang mga hindi makikitaan ng plate sa kanilang sasakyan pati na rin ang mga hindi nagsusuot ng helmet at paggamit ng unauthorized helmet. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments