Wednesday, November 18, 2026

DALAWANG SUSPEK SA ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Sta. Barbara Municipal Police Station sa Barangay Leet, Sta. Barbara, Pangasinan, dakong alas-4:15 ng hapon noong Nobyembre 16.

Sa operasyon, nakumpiska ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.285 gramo at tinatayang halagang ₱1,938.

Narekober din ang isang pulang motorsiklo at ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek habang isusumite naman sa forensic unit ang nakumpiskang droga para sa laboratory examination.

Patuloy naman ang Sta. Barbara Municipal Police Station sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kampanya nito para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments