
Nasawi ang isang 37-anyos na lalaki matapos masangkot sa isang vehicular accident sa Sitio Buyan, Barangay Lobong, San Jacinto, Pangasinan, bandang alas-onse ng gabi noong Nobyembre 14, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada sakay ng isang puting motorsiklo patungong Barangay Lobong Proper nang mawalan umano ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.
Dahil dito, sumalpok ang motorsiklo sa kanang bahagi ng isang nakaparadang boom truck sa north bound lane ng kalsada.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at agad na isinugod sa ospital sa Dagupan City. Gayunman, idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na sanhi sa likod ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










