Inaasahan na mapakikinabangan ng mga magsasaka partikular sa Barangay Banaoang at Buenlag sa Mangaldan ang 15 million pesos irrigation canal project mula sa National Irrigation Administration (NIA) Region 1.
Sa pamamagitan nito, maaaring mabenipisyuhan at magbibigay patubig sa nasa 660 na ektarya ng taniman sa mga naturang barangay. Higit 800 na magsasaka at irrigators sa dalawang barangay ang makikinabang sa naturang proyekto.
Ayon kay Agno Sinocalan RIS Acting Chief Engr. Harry Villanueva, maiiwasan na rin na masayang ang patubig ng mga magsasaka dahil may pag-aagusang irrigation canal ang tubig.
Ang proyekto rin umano na ito ay maaaring makatulong sa pagpapataas pa ng produksyon ng pagkain at maging kabuhayan ng mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments