Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, kasalukuyang isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug ang paglilinis at pag-aayos ng mga baradong kanal sa kahabaan ng Magsaysay Street sa Barangay D, Tayug.
Inatasan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa bayan na magsagawa ng malawakang clean-up drive sa kani-kanilang nasasakupan upang maiwasan ang pagbaha na dulot ng mga baradong kanal at naipong basura.
Ayon sa LGU Tayug, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng komunidad upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at mapigilan ang posibleng pagbaha sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nakatuon sa disaster preparedness at environmental cleanliness upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








